
Ikakasal na ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa kanyang partner na si Nonrev Daquina sa April 25 sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o mas kilala bilang Quiapo Church, ayon sa isang article ng Pep.ph noong April 3.
Pareho silang deboto ng Itim na Nazareno kaya rito nila napagdesisyunang idaos ang kanilang pag-iisang dibdib.
Ayon sa latest episode ng YouTube show ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz Update, mga bigatin ang mga ninong at ninang nina Angeline at Nonrev, kabilang na si Manila Mayor Honey Lacuna at ilang executives ng ABS-CBN.
March 2020 nang unang nagkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng isang common friend.
April 27, 2022 nang isilang ng mang-aawit ang una nilang anak na si Baby Sylvio.
Bali-balita rin na buntis si Angeline sa ikalawa nilang anak.
May nauna nang tatlong anak na babae si Nonrev mula sa dalawa niyang dating nakarelasyon.
NARITO ANG IBA PANG CELEBRITY WEDDINGS NA INAABANGAN NGAYONG 2024.