GMA Logo angelu de leon
What's on TV

Angelu De Leon sa kaniyang 'Pulang Araw' role: 'It's emotionally draining'

By Kristian Eric Javier
Published August 30, 2024 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

angelu de leon


Inilarawan ni Angelu De Leon ang pagkakaiba ng kaniyang parenting style mula kay Carmela ng 'Pulang Araw'

Kilala bilang masayahin at puno ng sunshine ang Kapuso star na si Angelu De Leon. Kaya naman, aminado rin ang aktres na naging mahirap ang kaniyang karakter sa hit historical drama series na Pulang Araw dahil sa pagiging masungit at laging galit nito.

“Mahirap in a sense na emotionally draining. Lalo kasi kung hindi ka nga ganun, diba? It's emotionally draining,” sabi ni Angelu sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Ngunit ayon kay Angelu, naging malaking tulong ang kaniyang mga co-stars, direktor nilang si Dominic Zapata, at lahat ng kasama nila sa set para mapadali ang pagganap niya sa role.

“Kasi nga, yung set atmosphere namin, in all fairness, masaya. Everybody's professional. Hindi siya mabigat na set. So, bumibigat lang yung set pag sa eksena,” sabi niya.

Kung dati ay humuhugot siya sa personal niyang buhay para mailabas ang mga emosyon na kailangan para sa isang eksena, ngayon ay may iba't ibang methods na siya para gawin ito. Kaya naman para sa aktres, naging mas madali na rin ang mag-iba-iba ng roles.

“Ngayon, mas meron na siyang acting talaga. You get me? May methods na siya. Meron talagang in a different level na hindi na masyadong personal, hindi na masyadong mabigat,” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy ng dating T.G.I.S. star, “Only because also Carmela is totally different from Angelu. Talagang ibang-ibang siya. Pagdating sa acting, hindi ako nahihirapan kasi inaalala ko lang lagi yung character. So bumabalik lang talaga ako kay Carmela. Mayroon ako sa kanyang character references.”

TINGNAN ANG BEAUTIFUL FAMILY NI ANGELU SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ni Angelu kung gaano kaiba ang karakter niyang si Carmela sa kaniya, lalo na pagdating sa pagmamahal sa anak. Aniya, kung si Carmela ay clingy, manipulative, at hands-on, si Angelu naman ay “very carefree” sa kaniyang mga anak.

Panoorin si Angelu sa Pulang Araw Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream.

Pakinggan ang interview ni Angelu dito: