
Malaki ang paghanga ni Angelu De Leon sa Pulang Araw co-stars niyang sina Barbie Forteza at Cassy Lavarias. Aniya, naging maganda ang working dynamics niya sa dalawang bida kahit pa tila kontrabida siya sa buhay ng mga karakter na ginampanan nila.
Gumaganap si Angelu bilang si Carmela Borromeo, ang malupit na madrasta ni Adelina na ginagampanan naman ni Barbie, at ang batang bersyon naman nito ni Cassy. Dahil dito, may ilang eksena kung saan pinagmamalupitan ng aktres ang kanyang younger co-stars.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinambit ni Angelu ang kanyang paghanga kay Barbie dahil sa pagiging propesyonal nito.
“Nakasama ko kasi siya Tween Hearts so sobrang-sobrang baby pa siya noon. But this one, I can see how technical she is, how professional she is,” sabi ni Angelu.
Kumportable rin umano sina Angelu at Barbie na makatrabaho ang isa't isa, at inamin ng aktres na meron silang level of respect. Kuwento ni Angelu, sa isang eksena kung saan kailangan niyang duruin sa ulo si Barbie, humingi muna siya ng nail cutter para gupitin ang mahaba niyang kuko para maiwasang masaktan ang dalaga.
“Ayaw mo naman manakit. Meron kaming consideration, si Barbie rin, kapag sasabunutan, sabi ko, 'Sorry ha?'” pag-alala ni Angelu.
BALIKAN ANG UNANG LARAWAN NG MGA BIDA NG 'PULANG ARAW' SA GALLERY NA ITO:
Pagdating naman kay Cassy Lavarias na gumaganap sa batang Adelina, aminado si Angelu na mas maingat siya sa tuwing kaeksena niya ito. Ngunit aniya, meron siyang laging paaalala sa child actress.
“Mas careful pero lagi ko rin sinasabi, 'Hindi kita gustong saktan pero kailangan may maramadaman ka,'” sabi niya.
Dito, binalikan ni Angelu ang unang eksena nila ni Cassy. “'Yun 'yung scene naming nagpapaalam siya na papasok siya na bigla ko siyang sinabunutan na parang after din nun, medyo na-shock siya, nag-freeze siya talaga for a while nga, tapos after nung cut, tumakbo lang ako sa kanya, 'Sorry, sorry, sorry,' ganyan.”
Pakinggan ang panayam ni Angelu dito: