
Hindi masukat ang kasiyahan ng newbie actor na si Anjay Anson ngayong opisyal na siyang parte ng Sparkada.
Para sa mga hindi updated, isa ang 19-year-old actor-model sa 17 fresh faces na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan. Bago siya nakapag-audition pa sa GMA, na-discover na si Anjay sa TikTok, ang video-sharing app na patok sa mga kabataan ngayon, matapos mag-trending ang isa sa kanyang glow-up o transformation video.
"First I was discovered through TikTok. Nag-trend po siya nun, parang glow-up video ko po nun from nung picture ko from before, ganyan. Doon po ako na-discover. Nag-audition din po ako sa GMA, and thankfully natanggap naman po ako," kuwento ng gwapong talent sa GMANetwork.com recently.
Para kay Anjay, malaking blessing na ang mapasama sa Sparkada, lalo na't mabilis na naging kasundo niya ang mga kasamahan niya sa grupo.
"Sobrang blessed ako na napasama ako sa Sparkada, kasi nakita ko talaga 'yung barkada talaga na feeling, nandon lahat. Talagang lahat kami good vibes, nag-e-enjoy.
"Kung may problema ang isa, parang nagiging problema na ng lahat, ganyan. Kaya sobrang barkadang-barkada talaga, at sobrang thankful ako napasama ako sa Sparkada."
Ngunit di rin maiwasan ni Anjay na makaramdam ng kaba dahil na rin alam niyang marami pa siyang dapat gawin para mapatunayan na karapat-dapat siyang mapabilang sa grupo.
"I'm excited po pero at the same time medyo kinakabahan din po ako. I hope it goes well. I hope maging successful po kaming lahat ng Sparkada at sana po lahat kami ay sabay-sabay umangat."
Masayang-masaya din ang kanyang mga magulang sa development ng kanyang showbiz career, lalong-lalo na ang kanyang Filipino mother na si Jaymee.
"I want to make my mom proud. Ever since po bata ako, nakikita rin 'yung mom ko na sobrang tutok niya sa showbiz. Lahat gusto niya panoorin, lahat ng mga pelikula, ng mga series.
"Kaya being a part of GMA is such a blessing to me, kasi nafulfill po 'yung pinaka gusto ng mom ko, at least ngayon si Mama na ang nakakapanood sa akin sa TV. Masaya po, sobrang thankful."
Mas lumalakas din ang loob ni Anjay dahil nandyan ang kanyang Indian father na si Anand Mandhyani na handang sumoporta sa anumang gusto niyang gawin o tahakin na landas. Tulad na lamang no'ng contract signing event niya kamakailan, kung saan isa siya sa mga napiling endorser para sa isang local aesthetic clinic.
Kuwento ni Anjay, "Sobrang supportive sila sa akin. 'Go, sige! What time ba 'yan?' Actually sila pa nga 'yung pumili ng suot ko," sambit ng binata sabay tawa. "Sabi nila, 'O eto, mas bagay sa 'yo 'yan.' Super supportive sila na kasama ako sa ganito ngayon."
Kaya 'pinapangako ni Anjay na gagawin n'ya ang lahat para masuklian ang sacrifices at suporta ng kanyang parents sa pamamagitan ng pagbubuti sa kanyang trabaho, kasama na rito ang kanyang role sa Widows' Web, kung saan gumaganap siya bilang Jed Sagrado-Dee.
Paglalarawan ni Anjay sa kanyang experience sa pinag-uusapang GMA suspenserye, "Ay grabe! It's not really easy kung i-aano n'yo po, pero super nag-enjoy po ako kasi first time ko pong masabak sa ganyan so hindi ako familiar sa kung paano gagawin ang ganitong eksena, kung paano 'yung mga ganyan-ganyan.
"Pero ando'n naman po silang lahat ng mga co-actors ko, sina Direk Jerry [Sineneng, director of Widows' Web], pati mga coaches po namin nando'n po lahat para suportahan kami at para maiayos po ang taping. It was really a fun experience and sobrang dami ko pong natutunan, as in super dami po talaga."
Ngayong isa na siyang ganap na Sparkada, ano pa ba ang puwedeng abangan sa kanya ng mga manonood?
Sagot ng matipunong aktor, "Sana po mag-improve pa ako, and sana support nila ako throughout the years.
"Ako po kasi, I'm really a curious person, gusto ko po nag-e-explore ako, so kung saan po ako ano.... gusto ko po ma-try ma-experience 'yung ganito, gusto ko maexperience 'yung ganyan. Flexible naman po ako and I'm willing naman po na gawin ang lahat ng iyon."
Kilalanin ang iba pang fresh faces ng Sparkada sa gallery na ito: