GMA Logo Anne Curtis
What's on TV

Anne Curtis, na-miss ang kanyang 'It's Showtime' family

By Dianne Mariano
Published July 6, 2024 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis


“I'll always make time for my Showtime family,” ani ng actress-host na si Anne Curtis.

Nagbabalik ang actress-host na si Anne Curtis sa It's Showtime ngayong Sabado (July 6).

Sa pagbabalik ni Anne sa naturang noontime variety show ay nakatanggap siya ng masayang pagbati mula sa kanyang co-hosts.

Kuwento naman ni Teddy Corpuz, naging abala ang Filipina-Australian beauty sa mga proyekto nito at masaya silang lahat para kanilang co-host.

“Thank you. For the acting comeback naman tayo,” ani ng celebrity mom.

Biro pa ni Anne sa kanyang kapwa hosts, “Alam n'yo sobra ko kayong na-miss habang wala ako pero naiisip ko naman kayo doon kasi ang daming animals sa South Africa.”

Tanong ni Ogie Alcasid, “Ano'ng animal?”

Sagot ni Anne, “Wala pa siya dito ngayon. Tuwang-tuwa kasi si Dahlia ang cute ng mga zebra doon. So cute.”

Hirit na tanong naman ni Teddy, “Kami ni Jhong, nakita mo?”

“Andoon din,” sagot ni Anne habang natatawa.

Patuloy ng actress-host, “Pero seriously, I really missed all of you so much. But thank you for understanding. Acting comeback tapos family time, and of course, I'll always make time for my Showtime family.”

Nitong Hunyo, matatandaan na nagbakasyon si Anne kasama ang kanyang asawang si Erwan Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia sa South Africa. Nakasama rin nila roon sina Solenn Heussaff at ang asawa niyang si Nico Bolzico, at ang mga anak nilang sina Thylane at Maëlys.

Related Gallery: Anne Curtis, Solenn Heussaff, travel with husbands to South Africa

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.