
Matapos ang nakakatakot na karanasan ni Anne Curtis sa Middle East, ligtas na siyang nakabalik sa Pilipinas.
Sa isang Instagram story, nag-post ng update ang asawa niyang si Erwan Heussaff para sa kanilang fans. Kita sa kaniyang post ang bintana ng eroplano at isang maiksing mensahe sa imahe.
“Last few days felt like weeks. Back in Manila,” sulat ng content creator.
TINGNAN ANG PAGPUNTA NINA ANNE, ERWAN, AT DAHLIA SA FRANCE SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na noong March 1 ay nagbigay ng update si Anne sa Instagram habang papunta sa Dubai. Saad ng aktres, kinailangan i-divert ang kanilang flight sa ibang bansa dahil sa nangyayari ngayon sa Middle East.
Kuwento ng Kapamilya star, “[I] was on my way to meet my little fam in Dubai, when I noticed a high-speed jet flying beside us.”
Sa sumunod na Instagram story, inanunsyo na umano ang pagbalik ng kanilang flight sa Milan, Italy dahil sa airstrikes.
Ilang araw pagkatapos nito, March 4, ay nagbahagi naman ang ina ni Anne na si Carmen Curtis-Smith ng update na muli nang magkakasama sina Anne, Erwan, at anak nilang si Dahlia sa Oman.
“Praise and thank you Lord. They [are] together na, Erwan n dhalia n Anne. safe na sila sa OMAN!!It was a nightmare... Anne landed today sa OMAN Keep them safe Lord till they get back to Manila!!!” post ni Carmen sa Facebook.
Samanatala, nag-post din si Erwan sa Instagram na nakarating na sila sa Muscat, Oman, pagkatapos ng pitong oras na pagmamaneho sa Dubai. Sa isang clip na pinost niya sa Instagram stories, ipinakita ni Erwan ang ilang clips ng long drive nila ni Dahlia.
Caption niya sa dulo ng post, “7 hours door to door, if people are looking to do the same thing.”