
Naging masaya ang birthday week ng Filipino-Australian star na si Anne Curtis.
Matatandaan na ipinagdiwang ng actress at host ang kanyang 40th birthday noong February 17 at kamakailan lamang ay may pangmalakasang performance siya sa noontime program na It's Showtime.
Nagbalik si Anne sa naturang show noong nakaraang Sabado at sumabak siya sa kanyang surprise birthday prod, kung saan kumanta at sumayaw siya kasama ang kanyang It's Showtime family.
Ibinahagi ng celebrity mom sa Instagram ang ilang larawan na kuha sa kanyang impromptu birthday performance at aniya'y “one for the books” ang experience na ito para sa kanya.
“What a great way to end my birthday week, with my showtime family and the madlang people. A sponty surprise by giving me an impromptu birthday prod number. (Buti na lang Karaoke Queen ako) Instant Showtime Core Memory for me. One for the books! Swipe to see all the craziness! Ahhh Missed them so much! Thank you my showtime family! Love you all!” sulat niya sa caption.
Sa recent episode ng It's Showtime, ibinahagi rin ng aktres ang kanyang birthday wish.
Aniya, “Ang birthday wish ko lang talaga is for everyone, all of the people that I care about dearly, to stay healthy and happy.”
Balikan ang masayang birthday celebration ni Anne Curtis sa It's Showtime sa video na ito.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, TINGNAN ANG TIMELESS BEAUTY NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO.