GMA Logo Anne Hathaway
Photo source: @annehathaway
What's Hot

Anne Hathaway, ipinagbubuntis ang pangatlong anak

By Ron Lim
Published June 20, 2026 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Derrick Monasterio shares lessons he learned from role in 'Ibarra...Ngayon'
World Travel Expo Year 10 opens in Cagayan de Oro, bringing focus back to the travel plans people keep delaying
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Hathaway


Masusundan na ang dalawang anak ni Anne Hathaway at ng kanyang asawa na si Adam Shulman.

Si Anne Hathaway, ang bida ng pelikulang The Devil Wears Prada 2, ay ipinagbubuntis ang kanyang pangatlong anak. Ginawa ng Hollywood star ang kanyang announcement sa kanyang social media.

Nag-upload ng isang seven-second Reel sa kanyang Instagram account si Anne na nagpapakita sa kanyang nakaputi habang nakatakip ang kanyang braso sa kanyang tiyan. Nang gumitna na sa video, ipinakita ni Anne ang kanyang pregnancy belly sa kanyang mga fans at social media followers. Sa caption, ang sinulat lamang ni Anne ay “Baby, I'm yours”.

Sa kasalukuyan ay mayroong 15 million likes ang post sa Instagram. Kasama sa mga ito ay ang mga local celebrities na sila Anne Curtis, Bea Alonzo, at Megan Young.

A post shared by Anne Hathaway (@annehathaway)

Ayon sa People, ito ang pangatlong baby ni Anne sa kanyang asawa na si Adam Shulman. Ang kanilang mga anak ay ang 10-year-old na si Jonathan at ang six-year-old na si Jack. Nagpakasal si Anne and Adam noong 2012. Ipinanganak ang kanilang anak na si Jonathan noong 2016 habang si Jack ay ipinanganak noong 2019.

Noong May, ibinagi ni Anne sa The Epic Issue ng Elle magazine na siya ay nasa isang “fun zone” pagdating sa kanyang mga anak kung saan na-e-enjoy nila ang “hanging out together”. Dagdag niya, ninanamnam niya at ng kanyang asawang si Adam ang kanilang panahon kasama ang kanilang mga anak.

Maliban sa kanyang mga anak, naging busy rin si Anne sa kanyang trabaho bilang isang Hollywood actress. Tatlo sa kanyang mga pelikula ang ipapalabas sa mga susunod na buwan ngayong taon.

Ang The Odyssey, kung saan kasama niya si Matt Damon, Zendaya, at Tom Holland, ay lalabas ngayong July 17. Si Anne ay gaganap bilang si Penelope, ang asawa ni Odysseus na dalawang dekada nang hinihintay ang pagbabalik ng kanyang asawa.

Ang The End of Oak Street naman ay ipapalabas sa August 14. Kasama ni Anne si Ewan McGregor sa isang science fiction survival film kung saan biglang naglitawan ang mga prehistoric creatures sa kanilang suburban neighborhood.

Samantala, ipapalabas naman sa October ang Verity, na adaptation ng isang Colleen Hoover novel.

Related gallery: Celebrities honor moms on Mother's Day 2026