What's on TV

ANNOUNCEMENT: 'Mulawin VS Ravena' basketball exhibition game, mapapanood nang libre!

By Al Kendrick Noguera
Published July 24, 2017 3:40 PM PHT
Updated July 25, 2017 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkapatid na bata na inangkin umano ng dating amo ng kanilang ina, nabawi sa Marawi
Bomb threat halts work at Talisay City Hall
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Team Mulawin o Ravena ka man, siguradong mag-e-enjoy kang panoorin ang paghaharap sa basketball court ng cast ng Mulawin VS Ravena at iba pang Kapuso stars!

Team Mulawin o Ravena ka man, siguradong mag-e-enjoy kang panoorin ang paghaharap sa basketball court ng cast ng Mulawin VS Ravena at iba pang Kapuso stars!

Sa darating na Linggo, July 30, hindi sa himpapawid maglalaban ang mga Mulawin at Ravena. Mapapanood ang inyong paboritong Kapuso artists sa isang basketball tournament na gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

Masasaksihan ninyong maglaro ang Mulawin VS Ravena stars na sina Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio, David Licauco, JC Tiuseco, Kiko Estrada, Dion Ignacio, Joko Diaz at John Feir. Kabilang din sa listahan ng inyong makikita sa special event na ito sina Bianca Umali at Bea Binene.

Samantala, sasamahan pa ang GMA Telebabad soap ng iba pang Kapuso artists tulad nina Neil Ryan Sese, Carlo Gonzalez, Pancho Magno, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Marx Topacio, Bryan Benedict at Paolo Gumabao.

At ang pinakamagandang balita tungkol sa event na ito, mamimigay ang GMA ng libreng tickets! Get your tickets on July 26, Wednesday, mula 10:00 a.m. to 6:00 p.m. sa GMA Network Annex Building, Jamboree Street, Quezon City.

Limited lang ang tickets kaya't siguraduhing makakakuha kayo mga Kapuso!