
Isa si Kapuso hunk at My Fantastic Pag-ibig: Ghosted star Royce Cabrera sa mga artistang hinahangaan hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang dedikasyon sa kanyang sining.
Sa teatro ang unang entabladong pinagtanghalan ni Royce hanggang sa mapili na rin siyang gumanap sa lead roles para sa mga independent films sa bansa.
Kabilang sa mga proyektong pinagbidahan ni Royce ay ang Boys' Love o BL genre na unti-unti nang kinikilala sa bansa.
Source: royce.cabrera (Instagram)
Sa eksklusibong panayam kay Royce Cabrera, ibinahagi ng aktor na natutuwa siyang mailinya sa mga BL project.
“Natutuwa ako kasi nabibigyan na sila ng pagkakataon, e. Kumbaga unti-unti nang nao-open especially 'yung mga kapatid natin sa LGBT community. Kumbaga nagkakaroon na sila ng pagkakataon na maihayag nila 'yung mga sarili nila, 'yung mga damdamin nila, at 'yung mga tunay nilang pagkatao.
“Nakakatulong ang paggawa ng mga BL series o BL genre na movie na talaga nagiging eye opener para sa lahat. Equal rights para sa lahat,” aniya.
Nabanggit ni Royce na isa sa mga motto ko niya sa buhay na “kung may isang bagay na gagawin ka, gawin mo na nang maganda at tama para maging maganda rin 'yung feedback sa 'yo.”
Source: royce.cabrera (Instagram)
Hanggang saan naman ang kayang gawin ni Royce para sa mga role na ibinibigay sa kanya?
“Sa totoo lang nagawa ko na, e. 'Yung film ko na 'F***bois,' sa Cinemalaya dun talaga sobrang daring, all-out.
“Pero ako naman po lagi ko naman sinasabi bilang aktor, kung ano 'yung ibibigay sa 'kin ng production, ng direktor, ng script sa character ko at kung okay lang din po sa management ko, okay din po sa 'kin, gagawin ko po para ma-justify 'yung character,” aniya.
Bumida si Royce si Cinemalaya film na F***bois noong 2019 katambal ang aktor na si Kokoy De Santos, at mula noon ay naging matunog na ang kanyang pangalan pagdating sa BL genre.
Gayunman, kahit “all-out” ang energy at passion na ibibigay niya sa kanyang proyekto ay mayroon pa ring mga limitasyon.
“All-out po kung talagang kailangan. Meron din naman pong limitations pero siguro po depende. Depende kung ganun kabigat 'yung material or kung talagang panlaban na kailangan mo talagang ibigay nang todo, why not? Opportunity 'yun, e. Kumbaga sa 'yo na lumapit 'yung opportunity, gawin mo na,” dagdag pa niya.
Source: royce.cabrera (Instagram)
Samantala, nang matanong si Royce kung sinong aktor ang nais niyang makapareha sakaling alukin siya ng BL projejct ng GMA Network, ang kapwa Kapuso hunk na si Jak Roberto ang isinagot niya.
“Siguro si Jak [Roberto]. Kasi before nag-'MPK' ako, may ginawa kami feature on gays. Gay si Jak do'n tapos ako 'yung dyowa niya. So nagkabiruan kami dahil nga may BL na ngayon, ituloy na lang naming 'yung ginawa namin sa 'Magpakailanman',” lahad niya.
Source: jakroberto (Instagram)
Nagkatrabaho sina Royce at Jak sa episode ng Magpakailanman na “Fishergays” noong November nang nakaraang taon.
Mas kilalanin pa si Royce sa gallery na ito: