GMA Logo Fishergays on MPK
What's on TV

Kuwento ng mga mangingisdang beki, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published November 3, 2020 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - SONA 2026 - Pres. Bongbong Marcos' 5th State of the Nation Address (July 27, 2026) | GMA News
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Fishergays on MPK


Mga mangingisdang beki ang tampok sa episode ng '#MPK' ngayong parating na Sabado, November 7.

Kuwento ng mga mangingisdang beki ang hatid ng episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado, November 7.

Makikipagsapalaran ang magkakaibigang Michael, Walen, Rolly, at Yuri sa pagtatrabaho bilang mga mangingisda.



Makakaranas ang grupo ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian, lalo na at pinaniniwalaang tradisyunal na trabaho ng mga lalaking matikas ang pangingisda.

Si Michael (Jak Roberto), magsisikap sa pagtatrabaho para sumuporta sa pamilya at sa inang may sakit.

Si Walen (Dave Bornea) naman, nangangarap maging guro kaya naghahanap-buhay para makatapos sa pag-aaral.

Hindi naman ladlad sa kanyang pamilya si Rolly (Raphael Robes) at sa mga kaibigan lang naipapakita ang tunay na pagkatao.

Patuloy rin sa trabaho si Yuri (Mela Habijan) kahit magkaroon ng isang aksidente.

Abangan ang kanilang kuwento sa episode na pinamagatang "Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot," ngayong Sabado, November 7, 8:15 pm sa #MPK.