
"Hinihiling ko hindi pangsarili, kundi pangkalahatan ng mga empleyado [at] mga artista na [ipagpatuloy ang] ating tagumpay, pagbibigay aliw [at] kasiyahan sa ating mga Kapusong manunuod." - German Moreno
By BEA RODRIGUEZ

Para kay Master Showman German 'Kuya Germs' Moreno, pinagkalooban siya ng Diyos ng pangalawang buhay upang ipagpatuloy ang kanyang misyon sa showbiz.
READ: Kapuso stars mourn the death of Kuya Germs
"Kini-consider ko kasi na misyon itong binigay sa akin ng ating Panginoon dahil mula pa noon ay natuto na akong [mag-discover at] magpasikat ng artista. Natutunan ko kay the late Dr. [Jose] Perez ng Sampaguita [Pictures]," saad ni Kuya Germs sa kanyang huling panayam sa 'Unang Hirit' bago matapos ang 2015.
Bukod sa pagiging star maker, likas rin kay Master Showman ang makapagbigay karangalan sa mga artistang nagampanan ang kanilang papel sa industriya sa pamamagitan ng mga bituin sa Philippine Walk of Fame sa Eastwood City.
READ: Kuya Germs: The Star Maker
Huling pangkat ng mga artista ang iginawad niya noong Disyembre, "[Iyon ay] naging matagumpay. Gagawin ko pa rin [ang] lahat para sa GMA dahil kailangan natin eh."
Naibahagi rin ng beteranong TV host ang kanyang hiling para sa taong 2016. Aniya, "The showbiz [to stay for] so many years. 'Yan ang unang-una nating kahilingan sa Panginoon, lalo na tayo'y Kapuso. Dito tayo nagsimula. Hinihiling ko hindi pangsarili, kundi pangkalahatan ng mga empleyado [at] mga artista na [ipagpatuloy ang] ating tagumpay, pagbibigay aliw [at] kasiyahan sa ating mga Kapusong manunuod. Hindi lamang dito, kundi sa buong mundo."
Hangad rin niya ang kapayapaan para sa ikakabuti ng lahat, "Kailangan natin ng katahimikan. Hindi [katulad] dun sa mga nangyayari nang dahil sa pulitiko [na] nag-aaway-away. Nandiyan ang siraan na hindi magandang halimbawa para sa mga kabataan."
Binawian ng buhay si Kuya Germs noong nakaraang Biyerenes ng umaga, (January 8).
READ: German Moreno dies at 82