
Approve naman ba kay Mark?
By GIA ALLANA SORIANO
'Average Joe' raw ang favorite dance ng mag-nanay na si Tinay (ginagampanan ni Kris Bernal) at Chiechie (ginagampanan naman ni Chlaui Malayao).
READ: Little Nanay: Learning how to be a good mom
Syempre, sinayaw ng dalawa ang signature move ng 'StarStruck' Original Male Ultimate Survivor na si Mark Herras. Pinasikat ng aktor ang dance move na 'to noong 2003. Approve naman ba kay Mark?

Sagot niya: "Pambihira tinay..."
Hindi pa doon tumigil ang cute interaction ng on-screen siblings. Nag-post ulit si Tinay ng video ng Pamilya Batongbuhay, kung saan biglang nag-cut ang director ng 'Little Nanay' sa set.
Nag-cut din bigla si Mark habang in character pa si Kris as Tinay.
Sabi ni Kris sa kanyang Instagram post: "Sabi ni Mark, "CUT!" Badtrip ka ba sa akin Kuya Petherrrr?"
READ: Batang 'Little Nanay' fan, hindi makapaniwalang si Kris Bernal si Tinay

Natawa na lang si Mark sa kakwelahan ng aktres.
READ: Who's the msytery girl that's making Mark Herras smile