What's Hot

Ano'ng wish ni Maine Mendoza ang natupad para kay Sheena Halili?

By Aedrianne Acar
Published January 6, 2018 11:43 AM PHT
Updated January 6, 2018 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Kim Atienza celebrates 15 Years of partnership with wellness brand
9,000 tricycle drivers in Bacolod qualify for DSWD fuel subsidy

Article Inside Page


Showbiz News



Ika ni Sheena Halili, ang lakas daw ni Maine Mendoza kay Lord dahil natupad ang wish nito para sa kaniya.

Walang pagsidlan ng tuwa ang StarStruck alumna na si Sheena Halili na finally nahanap na rin niya ang kaniyang tamang panahon.

#TamangPanahon: Meet Sheena Halili's boyfriend, Atty. Jeron Manzanero

Matatandaan na noong huling bahagi ng 2017 ay pormal nang ipinakilala sa publiko ni Sheena ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Atty. Jeron Manzanero.

Kaya naman sa kaniyang New Year’s Eve post sa Instagram, ipinahayag niya kung gaano siya kasaya na dumating sa buhay niya si Jeron.

 

Isang madiin na halik ng kasiyahan, pasasalamat at pagmamahal para sa Lalakeng bumuo ng mundo kong IKAW NALANG ANG KULANG ????IKAW ang sagot sa malaking puwang ng puso kong sumisigaw ng “Lord, pengeng lovelife”???? Tatapusin ko ang 2017 ng TAYO ang laman at umpisahan ko ang 2018 na sana TAYO na hanggang walang katapusan. ?????? #anglalimnaman

A post shared by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on


Ilan sa mga celebrities na nag-react sa sweet post ng Kapuso actress ang kaniyang kaibigan na si Maine Mendoza.

Ayon sa palitan nila ng mensahe, sinabi ni Sheena na ang pagkakaroon ng love life ang wish ng Dubsmash Queen para sa kaniya.

Nabuo ang pagkakaibigan nina Sheena at Maine sa Kapuso Primetime series na Destined To Be Yours.