GMA Logo Seo Hyun jin
What's Hot

Another Miss Oh: Nagkabalikan na sina simple Ethel Oh at Marlon!

By Abbygael Hilario
Published January 5, 2023 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

POC formally suspends PNVF following FIVB's ruling
Bianca Umali travels to Seoul
XU, CLI welcome DENR-10 resolution affirming rights to Manresa property

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Hyun jin


Hindi na natiis ni Marlon at Ethel ang isa't-isa!

Mukhang hindi kinaya ni simple Ethel Oh (Seo Hyun-jin) na maging strong at independent woman matapos ang pag-aaway nila ni Marlon (Eric Mun)!

Sinunod niya ang puso niya at binalikan ang lalaking kaniyang minamahal! Hinabol niya si Marlon sa labas ng ospital at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap at halik!

Para kay Marlon, hindi niya kayang mawala si Ethel sa kaniya dahil ito ang babaeng nagpaparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal.

Gagawin din ni Marlon ang lahat para makabawi sa ginawa niya kay Ethel!

Ipa-prank niya si Ethel na kunwaring may nagawa itong labag sa batas. Ipasusundo niya ito sa dalawa niyang kaibigan na magpapanggap bilang pulis.

Hindi alam ni Ethel na may sorpresa pa lang inihanda si Marlon para sa kaniya na siguradong ikasasaya niya!

Road to forever na kaya ito para kina Marlon at Ethel?

Panoorin mamaya sa 'Another Miss Oh,' 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'ANOTHER MISS OH' SA GALLERY NA ITO: