GMA Logo Anthony Rosaldo
Photo Source: theanthonyrosaldo (Instagram)
What's Hot

Anthony Rosaldo, kinakabahan sa theatrical debut niyang 'Ang Huling El Bimbo'

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 18, 2023 3:32 PM PHT
Updated April 18, 2023 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Anthony Rosaldo


'Kailangan buoin mo siya nang sarili mo, hindi mo siya dapat kopyahin kung paano ginawa ng mga naunang aktor na gumanap na Young Hector,' pag-amin ni Anthony.

Mahigit isang buwan nang nagre-rehearse si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo bilang Young Hector sa musical na Ang Huling El Bimbo, na siya ring theatrical debut niya.

Dahil mga beterano na sa larangan ng teatro ang makakasama ni Anthony, hindi niya maiwasang kabahan lalo't lalo na sa papalit na opening night nito.

"Ito 'yung klase ng kaba na never ko pang naramdaman. Para sa akin, mas malaking kaba 'to kaysa sa The Clash kasi sa The Clash, isang performance lang 'yung pinaghahandaan ko every episode," pag-amin ni Anthony.

Produkto ng unang season ng The Clash si Anthony kung saan parte siya ng Top 6.

"Pero dito, grabe 'yung paghahanda ko. Minemorize ko 'yung scripts ko, 'yung music, tapos meron pang additional na siyempre, kailangan buoin mo 'yung character, which is Hector.

"Kailangan buoin mo siya nang sarili mo, hindi mo siya dapat kopyahin kung paano ginawa ng mga naunang aktor na gumanap na Young Hector."

Dagdag ni Anthony, hindi madali ang kanyang pinagdaanan bilang Young Hector sa Ang Huling El Bimbo.

"Everyday kong nilalabanan 'yung kaba ko. Merong mga morning na gigising ako with panic attacks kasi ito, papasok na ako, haharap na po ako sa kanila nang hubad, being Anthony Rosaldo na ipapakita ko sa kanila na ready magkamali, ready mapagalitan.

"Ganun talaga 'yung hirap."

Mahirap man, alam ni Anthony sa sarili niya na isang karangalan ang maging parte ng Ang Huling El Bimbo.

"Bukod doon sa hirap, achievement siya para sa akin na kaya ko palang labanan 'yung ganung klase ng challenge. Hindi lang tsina-challenge 'yung pagiging Anthony Rosaldo ko, e, natsa-challenge rin 'yung physical, dumating din sa point na nagkasakit na ako and I had to take three days off leave kasi bumagsak na 'yung katawan ko.

"Maraming challenges talaga."

A post shared by Anthony Rosaldo (@theanthonyrosaldo)

Mapapanood ang Ang Huling El Bimbo The Musical sa Newport Performing Arts Theatre. Magiging available ang tickets nito sa TicketWorld at SM Tickets: P3,776 (SVIP) P3,236 (VIP), P2,696 (GOLD), P1,942 (SILVER), at P1,079 (BRONZE).

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ANTHONY SA MGA LARAWANG ITO: