GMA Logo anton vinzon and roi vinzon
What's on TV

Anton Vinzon, alay sa ama na si Roi Vinzon ang 'Kamao'

By Jansen Ramos
Published May 19, 2026 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 300 workers displaced after Misamis Oriental steel plant raid
wave to earth announces 'the pieces tour' in Manila
Anton pays tribute as dad Roi joins milestone project “Kamao”

Article Inside Page


Showbiz News

anton vinzon and roi vinzon


Itinuturing na 'best friend' at 'superhero' ni Kapuso Action Heartthrob Anton Vinzon ang kanyang ama na si Roi Vinzon kaya dine-dedicate niya rito ang kanyang first solo lead project na 'Kamao.'

Aminadong pressured si Kapuso Action Heartthrob Anton Vinzon kapag kaeksena niya ang kanyang ama na si Roi Vinzon sa pagbibidahan niyang family sports drama na Kamao.

"Talagang first day pa lang, nakaka-pressure na. Sinasabi ko sa kanya, 'Pa, 'di ka direktor ngayon, ah,'" kuwento ni Anton sa media conference ng serye noong Lunes, May 18.

Paglilinaw ni Anton, sadyang todo-alalay sa kanyang first solo lead project ang kanyang Papa Roi.

Dagdag niya, "Talagang stage father si Papa no'n and 'di niya 'ko pinakawalan. Talagang nand'yan siya para sa 'kin at inaalalayan niya ako at todo support sa 'kin."

Sa Kamao, gaganap si Roi hindi bilang ama ni Anton kundi bilang lolo ng teen actor. Gaganap ang veteran actor bilang si Domeng, isang dating boxing champion na magiging trainer ni MakMak, karakter ni Anton.

Sabi niya, "Meanwhile, talagang komportable na po ako makipag-acting kay Papa kasi umpisa pa lang, natatakot na 'kong kausapin siya e. Nando'n 'yung kaba kasi sabi ko sa kanya, tatawagin na kitang lolo, ah. 'Di niya 'ko pinansin for three days dahil do'n."

Samantala, kahit magkasama sa set, naa-appreciate ni Anton na hinahayaan siyang mag-explore ng kanyang ama.

Aniya, "Tinuturuan niya 'ko kung paano i-cherish yung character ko, kung paano ka gumalang sa mga tao, at maging mabuting aktor ka lang. Yun lang yung talagang itinuturo niya sa 'kin and, besides that, naging totoo ako sa sarili ko at mas naging matapang ako. Sabi ko, 'Pa, salamat ah, 'di mo ko ini-spoonfeed sa lahat ng ginagawa ko. Sabi niya, 'Ang mga direktor ang magtuturo sa 'yo. Kailangan ma-experience mo lahat. 'Yung mga ginawa ko dati, 'di ako nagpaturo. Do'n ka matututo sa kanila.'"

Ayon kay Anton, malaki ang impact sa kanya ng kanyang ama na si Roi kaya dine-dedicate niya ang Kamao rito.

"Gusto ko talaga s'yang maging proud sa pilot and talagang first time ko 'tong lead show and sana magustuhan niya. Gusto ko 'yung sabay kaming manonood sa malaking screen, manonood kami with my family.

"'Good job, anak,' gusto ko marinig sa kanya 'yun kaya tribute ko po talaga kay Papa kasi siya po talaga yung superhero ko pagdating sa buhay and talagang he's my best friend."

Mapapanood ang Kamao Lunes hanggang Biyernes, simula May 25, 3:20 p.m., pagkatapos ng Born To Shine sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG BUONG CAST NG UPCOMING GMA DRAMA SERIES NA KAMAO: