
Inamin ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon at ng Kamao co-star niyang si Bruce Roeland na aksidente silang nagkakatamaan sa set ng GMA family sports drama series habang kinukunan ang kanilang fight scenes sa loob ng boxing ring.
Ayon kay Bruce, hindi ito maiiwasan lalo na at gusto nilang maging makatotohanan ang bawat suntok na makikita ng viewers sa serye kung saan gaganap sila bilang boxing rivals.
"Kailangan ipakita sa kamera yung totoong suntok pero, at the same time, kailangan mong iwasan yung suntok. So there were times na tumatama yung suntok ko sa ilong ni Anton and yung reaction n'ya no'n parang nagising s'ya e, pero nangyayari talaga yun at nag-aaral pa rin kami," wika ni Bruce sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kamakailan.
Samantala, aware si Anton na physically demanding ang kanyang role bilang boksingero. Pero, aniya, hindi niya ito alintana dahil mas nangingibabaw ang kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon.
Sabi niya, "Malaking responsibilidad, yes, alam ko yun. Pero syempre sa set may halong kaba, may halong pressure, may halong challenge pero nangingibabaw pa rin po yung pagmamahal ko sa ginagawa ko po."
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Available rin ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipapalabas din ang programa overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED FEATURE: Cast ng Kamao, kilalanin!