
Puspusan na ang paghahanda nina Anton Vinzon at Bruce Roeland para sa kanilang tapatan sa GMA family sports drama series na Kamao.
Sa episode ng afternoon drama sa Biyernes, July 31, mapapanood na ang pinakaaabangang grudge match sa pagitan ng mga karakter nina Anton at Bruce na sina MakMak at Lance.
Sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras, ibinahagi ni Anton kung ano ang dapat asahan sa kanilang paghaharap sa ring ni Bruce.
Aniya, "Si Bruce iba yung coach n'ya, iba yung coach ko. Pero pagdating namin sa ring, alam naman po namin yung galawan."
Sa kwento ng Kamao, may basbas na ng ina ni MakMak na si Nadia, played by Katrina Halili, ang laban niya kay Lance matapos makipag-deal sa ama ng huli na si Caloy, played by Wendell Ramos.
In real life, combat sports talaga ang hilig ni Anton pero dahil sa pinagbibidahan niyang serye, mas na-appreciate niya ang boxing.
Sabi niya, "Dati I do Muay Thai, puro kickings kasi do'n po ako nasanay pero, right now, mas nakita ko yung value ng boxing. Nakakapagod po pala yung boxing dahil stamina rin e, may core din na kailangan."
Panoorin ang ulat sa video sa ibaba.
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED FEATURE: Anton Vinzon shares 'Kamao' fulfilled his dreams