GMA Logo Anton Vinzon, Chanty Videla
Source: Barangay Love Stories TV
What's on TV

Anton Vinzon at Chanty Videla, kapansin-pansin ang chemistry sa 'Barangay Love Stories'

By Karen Juliane Crucillo
Published October 26, 2026 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

As Europe's Filipino diaspora leaders age, a search for young leaders begins
Anonymouse: Actress at TV host, pinagsasabay ang hosting at pagpapa-pedicure?
Dagan sa Panahon karong Adlawa October 26, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Anton Vinzon, Chanty Videla


Umani ng kilig ang tambalan nina Anton Vinzon at Chanty Videla sa 'Barangay Love Stories.'

Naghatid ng kilig overload sina Anton Vinzon at Chanty Videla sa ikapitong episode ng Barangay Love Stories na pinamagatang "Dahil Sa'Yo."

Sa October 24 episode, gumanap si Anton bilang ang happy-go-lucky na si PJ, habang si Chanty naman ang bumida bilang si Ericka, ang best friend ni PJ.

Kasama rin nila sa naturang episode si Mad Ramos, na gumanap bilang si John Paul, ang boyfriend ni Ericka.

Umiikot ang kuwento sa pagkakaibigan nina PJ at Ericka na nasubok nang magkaroon sila ng damdamin para sa isa't isa. Ipinakita rin sa episode kung paano nila hinarap ang kanilang nararamdaman at kung paano ito nakaapekto sa kanilang pagkakaibigan.

Kinilig naman ang fans at viewers sa tambalang ChanTon dahil sa kapansin-pansin nilang chemistry. Nagustuhan din ng marami ang kuwento ng dalawang mag-best friend na unti-unting nagkaroon ng mas malalim na damdamin para sa isa't isa.

Narito ang ilang reaksyon ng fans at viewers kina Anton at Chanty sa kanilang episode sa Barangay Love Stories:

Abangan ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig sa Barangay Love Stories tuwing Sabado, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, alamin dito ang first impression nina Anton Vinzon at Chanty Videla sa isa't isa: