GMA Logo kamao stars
What's on TV

Anton Vinzon at iba pang 'Kamao' Stars, nominado sa Seoul International Drama Awards 2026

By Jansen Ramos
Published June 16, 2026 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One Western Visayas: June 16, 2026 [HD]
Jinggoy Estrada, sinuspinde ng Sandiganbayan bilang senador 90 araw dahil sa kinakaharap na kaso
Maxie Andreison and ViƱas Deluxe to headline 'Die Beautiful: The Musical'

Article Inside Page


Showbiz News

kamao stars


Nominado ang 'Kamao' stars na sina Anton Vinzon, Roi Vinzon, Amy Austria, at Katrina Halili bilang Outstanding Asian Star in the Philippines sa Seoul International Drama Awards 2026.

Mahigit tatlong linggo pa lang napapanood ang Kamao sa telebisyon, nakakuha agad ng atensyon ang family sports drama sa global stage.

Sa katunayan, lima sa cast members ng GMA Afternoon Prime series ang nominado sa Seoul International Drama Awards (SDA) 2026 bilang Outstanding Asian Star in the Philippines.

Nangunguna na riyan ang Kapuso dramatic action star at bida ng Kamao na si Anton Vinzon. Nominado rin para sa nasabing kategorya ang ama ni Anton at veteran actor na si Roi Vinzon, at mga aktor na sina Amy Austria at Katrina Halili.

Nominated din ang bida ng The Master Cutter na si Dingdong Dantes at leading lady niyang si Max Collins, na gunning for Outstanding Asian Star sa SDA 2026. Noong 2020, nanalo na si Dingdong ng Asian Star Prize para sa kanyang pagganap sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

Matutukoy ang winners ng Seoul International Drama Awards 2026 sa pamamagitan ng fan voting sa IDOLCHAMP app hanggang July 14, 2026.

Gaganapin ang awarding ng SDA 2026 sa October 8 sa Seoul, South Korea.

Panoorin ang ulat sa Balitanghali: