GMA Logo  Anton Vinzon and Neil Ryan Sese in Kamao
What's on TV

Anton Vinzon, humanga sa husay ni Neil Ryan Sese bilang closeted boxer sa 'Kamao'

By Aimee Anoc
Published May 27, 2026 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Charles Boneo shatters 26-year-old Palarong Pambansa record in 50m butterfly gold-medal win
Raps filed vs brothers who stole streetlight bulbs in Iloilo town
New beachfront hotel to rise in Panglao

Article Inside Page


Showbiz News

 Anton Vinzon and Neil Ryan Sese in Kamao


Paano kaya hinarap ni Neil Ryan Sese ang kaniyang non-traditional role sa GMA Afternoon Prime series na 'Kamao'? Alamin dito.

Matinding boxing match ng mga karakter nina Anton Vinzon at Bruce Roeland, maging nina Neil Ryan Sese at Wendell Ramos, ang napanood sa pilot episode ng bagong family sports drama ng GMA na Kamao.

Talaga namang challenging ang role ng batikang aktor na si Neil Ryan Sese na gumaganap bilang Nonoy Batumbacal, ama ni MakMak (Anton) at isang closeted boxer.

Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ikinuwento ni Neil kung paano niya tini-treat ang kaniyang role.

"May collaboration kami ni Direk L.A. Madridejos, may usapan kami na 'pag ganitong karakter 'yung kausap namin, magiging lalaki ako. Pero, 'pag 'yung lover medyo magiging malambot ako, so may ganu'n siyang dynamics," sabi ng aktor.

"At the same time, nag-usap kami na kinakailangan hindi siya maging stereotype o caricature na bakla. Kinakailangan totoong tao siya, may puso, lumalaban, at humihingi ng respeto," dagdag niya.

Ipinarating din ni Anton ang paghanga niya sa husay ng acting skills ni Neil, na gumaganap niyang ama sa serye.

"Kudos po kay Sir Neil Sese dahil sa ginawa niyang 'yon, sobrang hirap na rin para sa akin--pagiging LGBTQ na to boxer, talagang malaking difficulties and unpredictable po 'yung character niya," sabi ni Anton.

Patuloy na subaybayan ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA Afternoon Prime.

Available din ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.

Ipinapalabas din ang programa overseas via GMA Pinoy TV.

KILALANIN ANG CAST NG KAMAO RITO: