
Patuloy na kinagigiliwan ang kapana-panabik na kuwento ng family sports drama series na Kamao, na pinagbibidahan ng Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon.
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kamakailan, ipinasilip ang isa pang dapat na abangan sa serye: ang pagsabak ng karakter ni Anton na si MakMak sa underground fighting.
Nakunan ng GMA News ang rehearsals ni Anton at ng guest actor ng Kamao na si Eric "Eruption" Tai na makakalaban ni Anton sa serye.
Pag-amin ni Anton, kinabahan agad siya nang nalaman niyang si Eruption ang makakaeksena niya rito.
Aniya, "Sabi nila dapat underdog ka so bagay sa eksena 'yan. Sabi daw nila kanina, sa eksena dapat kinakabahan ka. Ay hindi pa po nagsisimula, kinakabahan na 'ko."
Samantala, inaabangan din sa Kamao ang tambalan nina Anton at Chanty Videla, at ang pagiging strict coach ng ama ni Anton na si Roi Vinzon, na gumaganap bilang lolo ng aktor sa serye.
Panoorin ang buong ulat:
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA at Kapuso Stream.
Available rin ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang family sports drama overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts