
Bilang paggunita sa Pride Month, nagbigay-pugay si Kapuso dramatic action star Anton Vinzon sa mga taong bumubuo ng ng pinagbibidahan niyang family sports drama na Kamao sa likod ng kamera, na mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Kabilang na riyan ang ilang makeup artists, stylists, talent caretakers, talent suppliers, wardrobe, at maging ang longtime personal assistant ni Anton na si Yosh.
Sa isang online exclusive video ng Kamao, mapapanood na sinorpresa ni Anton ng bouquet of flowers ang kanyang loyal PA na kung tawagin niya ay Ate Yosh habang nasa set ng serye.
Nagbigay din ng mensahe ang aktor sa kanyang minamahal na PA. Ika niya, "Salamat talaga sa lahat ng suporta mo sa 'kin. Bata pa lang ako, nand'yan ka na para sa 'kin kaya ito lang yung maliit kong bigay para sa 'yo. And I know, during PBB pa lang nand'yan ka na at talagang bukambibig na kita do'n. And now, first time kitang mabigyan ng flowers kaya happy Pride Month."
Ibinahagi rin ni Yosh kung gaano siya ka-proud sa achievements ng kanyang alaga. Aniya, "Ang masasabi ko, I'm so proud of you. Lahat ng narating mo sa buhay, proud na proud ako sa 'yo. Lagi mong isipan na si Ate Yosh, always nandito para sa 'yo."
Panoorin ang video.
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA at Kapuso Stream.
Available rin ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang programa overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED FEATURE: Celebrities and their loving yayas and personal assistants