
Dagdag kilig ang hatid ng hit youth-oriented show na MAKA sa pagdating ng bagong cast members na sina Mga Batang Riles stars Anton Vinzon at Raheel Bhyria, at Sparkle Campus Cutie winner Mad Ramos.
Sa MAKA, makikilala si Anton Vinzon bilang Anton Mendoza, isang Grade 12 transfer student sa MAKA Academy. Isa siyang star athlete at online sensation dahil sa husay sa basketball. Siya ang leader ng three-man basketball sensation na The B-Boys. Pero sa likod ng kanyang million-view videos at pagiging maangas ay isang tao na sabik sa isang kompletong pamilya.
Kabilang sa trio ng The B-Boys si Raheel Perez, na gagampanan ni Raheel Bhyria. Matalino, mabilis, competitive, at mahusay sa strategy. Sa kabila ng pagiging mahusay sa numero, sci-fi, at coding, lumaki siyang itinatago ito dahil sa takot na mabigyan ng label at ma-bully. Naging panangga niya ang basketball, ang lugar kung saan walang kumukuwestiyon sa kanyang pagkatao.
Panghuling miyembro ng The B-Boys ay si Mad Sarmiento, na bibigyang-buhay ni Mad Ramos. Mahusay pumorma, maangas, dating star athlete, at sikat online dahil sa pagiging viral ng kanyang basketball videos. Sa good look at killer moves sa court, halos lahat ay kumpyansa sa kanya, pero ang hindi alam ng marami ay isa isang mama's boy.
Abangan sina Anton Vinzon, Raheel Bhyria, at Mad Ramos sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANTON VINZON SA GALLERY NA ITO: