GMA Logo Anton Vinzon, Roi Vinzon
Photo by: Shua Alcantara, GMA Network
Celebrity Life

Anton Vinzon sa kanyang ama na si Roi Vinzon: 'Ikaw po talaga 'yung superhero ko'

By Kristine Kang
Published June 13, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Anton Vinzon, Roi Vinzon


Labis ang pasasalamat ni Anton Vinzon sa suporta ng kanyang ama na si Roi Vinzon.

Isa sa mga bagong tinatangkilik ngayon sa GMA Network ay ang Sparkle actor na si Anton Vinzon.

Nakilala ang Kapuso star sa pagganap bilang Dags sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, kung saan nakasama niya ang co-stars at naging malalapit na kaibigan na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, at Raheel Bhyria.

Pero sa likod ng kanyang rising popularity, kilala rin si Anton bilang anak ng batikang aktor na si Roi Vinzon. Suportado ng ama ang bawat hakbang ni Anton sa showbiz, at kitang-kita sa kanilang public appearances ang matibay na ugnayan nila bilang mag-ama.

Sa panayam kasama ang GMANetwork.com, buong pusong nagpasalamat si Anton sa kanyang ama.

"Pa, thank you for supporting me. Ikaw po talaga 'yung superhero ko sa lahat ng mga pagsubok ko (at) sa lahat ng dinadaanan ko sa buhay ko," ani Anton.

"You keep teaching me how to be me parang tinuturuan mo ako sa script. Ginagawa niya talaga kung ano'ng mas maganda sa akin sa buhay ko. Pa, thank you so much sa gabay n'yo and mama as well. Salamat pa, love you!"

Ngayong darating na Father's Day, nais sanang ipagdiwang ni Anton ang espesyal na araw kasama ang kanyang ama. Subalit dahil abala si Roi sa taping ng nalalapit na action-packed drama series na Sanggang-Dikit FR, maaantala muna ang kanilang selebrasyon.link: 'yung bahay namin doon. Iyon 'yung bonding namin," masayang pagbabahagi ni Anton.

Looking forward ang young Sparkle star sa kanilang trip, lalo't isa sa kanilang bonding moments bilang mag-ama ay ang pag-aasikaso o gumawa ng proyekto magkasama.

"Iyon talaga 'yung ginagawa namin sa pag-bonding namin. 'Yung pag-manage ng business," dagdag pa niya.

Samantala, kilalanin pa si Anton Vinzon sa gallery na ito: