GMA Logo Anton Vinzon
Source: anton_vinzon (IG)
What's Hot

Anton Vinzon, todo-training para sa kanyang upcoming series na 'Kamao'

By Jansen Ramos
Published April 22, 2026 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov't agencies sign SOP to implement POGO ban
Satirical comedy “Samahan ng mga Makasalanan” on Prime Video this April 24
Alden Richards is the newest face of a popular local beverage brand

Article Inside Page


Showbiz News

Anton Vinzon


Big preparations for his big break ang focus ngayon ni Kapuso Action Heartthrob Anton Vinzon, na bibida sa upcoming series na 'Kamao.'

Mula sa pagiging palabang prankster at vlogger na si Dagul sa Mga Batang Riles, ibang hamon naman ang haharapin ni Kapuso Action Heartthrob Anton Vinzon ngayong bibida siya bilang isang young boxer sa upcoming Kapuso series na Kamao.

Sa ginanap na pictorial ng serye noong Lunes, April 20, kapansin-pansin ang malaking transformation sa kanyang pangangatawan. Nawala na ang baby fats at ngayon ay mas toned at fit na.

Isang post na ibinahagi ni Anton Vinzon (@anton_vinzon)

Ayon kay Anton, bunga ito ng matinding disiplina sa araw-araw na workout, gym sessions, at boxing training. Bukod dito, regular din siyang tumatakbo para mapalakas ang kanyang stamina. Ilan lamang ito sa mga paghahandang ginagawa niya para sa kanyang character na si Makmak.

“Everyday po talaga ako nagwo-work out with my dad, kasama 'yung Papa ko. Bawal talaga ang excuse. Sabi niya, 'Anak, dapat mag-gym ka araw-araw kasi big break mo 'to, show mo 'to, kaya pagbutihin mo lang talaga,'” kuwento niya sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras kagabi, April 21.

Pero para kay Anton, hindi ang pisikal na aspeto ang pinaka-challenging sa kanyang paghahanda. Aniya, mas kinakabahan siya sa pag-arte, lalo na't makakasama niya ang ilan sa mga batikang artista sa industriya tulad nina Amy Austria, Katrina Halili, Wendell Ramos, Neil Ryan Sese, at ang sarili niyang ama na si Roi Vinzon.

“Syempre 'yung kasama ko 'yung mga veteran actors, so doon talaga ako kinakabahan. Kasi first day, ilang cuts ako kay Papa. Yung pressure ko, first time ko lang nakaeksena si Papa. Pero iba pa rin yung kaeksena ko siya as lolo. Hindi ko naramdaman na lolo ko siya noon,” pag-amin niya.

Samantala, kabilang sa wishlist ni Anton ay ang makapag-training kasama ang Kapuso young boxer na si Eman Bacosa Pacquiao, pati na ang kanyang kaibigan at co-actor sa Mga Batang Riles na si Raheel Bhyria. Ayon kay Anton, malaking tulong sa kanyang kumpiyansa kung maibabahagi ng mga ito ang kanilang kaalaman at karanasan sa boxing.

Ipapalabas ang Kamao sa GMA Afternoon Prime soon.

Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.

RELATED FEATURE: Anton Vinzon unlocks a new era with charming 18th birthday shoot