What's Hot

Antonietta on how to deal with negative friends

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sen. Jinggoy Estrada, nasa New Quezon City Jail matapos ipaaresto sa kasong Plunder at Graft
Samal Island braces for rainy season
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News



Antonietta of 'Bubble Gang' played by Kapuso comedian Betong tells you how to handle nega people. 
By MARY LOUISE LIGUNAS


 
Sa grupo o barkada, madalas may isang miyembro na nakakababa ng energy o nakakasira ng saya dahil sa kanyang pagiging nega. Paano ba dapat pakitunguhan ang ganitong klaseng mga tao?
 
May tips si Antonietta, na ginagampanan ni Betong, para sa mga gustong tulungan ang kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay na punong-puno ng bad vibes sa katawan.
 
1. Be honest.
Minsan kailangan lang daw ng ibang tao ng paalala na kailangan nila maging positibo.
 
“Ako sinasabi ko straightforward ‘Stop, change your attitude, kasi nakakahawa, parang ang saya-saya ng lahat, ikaw lang ganyan. Are you happy with that?’,” wika ni Antonietta.
 
2. Lumayo kung kinakailangan.
Mahirap panatilihin ang pagiging masayahin at bibo kung palaging may nagagalit, naiinis o nagrereklamo sa paligid mo. Kung maaari at kinakailangan, lumayo na lang muna sa mga taong hilig maging nega.
 
“Kini-keep ko 'yung friends ko na happy, pero 'yung friends na medyo nega, keep them away,” sabi ni Antonietta.
 
3. Huwag maging kontrabida.
Kailangang alam mo rin kung ikaw na mismo ang pinanggagalingan ng inis o galit ng mga tao na iyong nakakasalamuha. Masanay na maging positibo at sunod-sunod na ang kasiyahang dadating.
 
“Ang buhay dapat palaging masaya lang 'yan ha? Huwag kayo maging drama queen at lalong huwag maging kontrabida at huwag na makipagkumpitensya kay Alex at Gladys (na madalas kontrabida sa soap),” aniya.