
Isang maganda at memorable na birthday gift ang natanggap ni Mga Batang Riles star Antonio Vinzon nang ipagdiwang niya ang kaarawan kamakailan kasama ang ilang fans. Malaki umano ang pasasalamat ng aktor sa suportang natanggap mula sa kanila.
“'Yung suporta ng Antonio Charmers, nandiyaan pa rin kaya hindi ako kinakabahan pagdating sa eksena kasi maraming nagsusuporta sa akin,” sabi ni Antonio sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, February 2.
Nagpapasalamat din si Antonio dahil marami na rin ang nakakapansin ng kaniyang pagganap bilang Dagul sa Mga Batang Riles. Pero mas sumaya siya nang mapansin ng kaniyang idolo at amang si Kapuso action star Roi Vinzon ang kaniyang galing sa pag-arte.
“Nakikita, napapansin 'yung acting niya, 'di ba? Sabi ko, 'Okay a?' First time? Bihira 'yung ganu'n, first time,” sabi ni Roi sa parehong panayam.
Samantala, inamin naman ni Antonio na mas kinabahan siya ngayon na napapansin na siya ng mga tao. Ngunit pag-alala niya sa payo ng kaniyang ama, “Sabi ni papa, dapat stay grounded ka po talaga sa mga tao ngayon.”
Birthday wish ni Antonio ngayon, “Ang wish ko nga po maka-fight (scene) ko po si papa e.”
Mapapanood ngayon si Antonio sa hit action drama series na Mga Batang Riles kasama sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Bruce Roeland. Samantala, napanood si Roi sa action drama series na Black Rider at sa action comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Panoorin ang buong panayam kina Antonio at Roi, rito:
MAS KILALANIN PA SI ANTONIO VINZON SA GALLERY NA ITO: