
Isang astig na performance ang ipinamalas ng The Voice Generations coaches na sina Billy Crawford at Chito Miranda kasama ang Pinoy pride at international singer na si Apl.de.Ap sa episode ng nasabing programa nitong Linggo, December 3.
Bago magsimula ang tapatan ng talents sa huling Semi Finals Round ng singing competition, isang pangmalakasang performance muna ang inihandog ni Apl.de.Ap kasama sina Coach Billy at Coach Chito.
Dito ay inawit nila ang kantang “Bebot” ng international pop group na Black Eyed Peas kung saan miyembro si Apl.de.Ap.
Sa isang interview, sinabi ni Apl.de.Ap na natutuwa siyang makabalik sa The Voice stage, lalo pa't naging isa rin siya sa mga naging coach nito noon.
Aniya, “It feels amazing to be back. It's so exciting to be part of the show. You know it's always a moment when you're doing The Voice and I'm just happy to be back. It's like a home.”
Natutuwa rin umano ang Filipino singer na muling makakita ng Pinoy talent na talagang pang-world class.
“It's just to see more talented Filipino artists performing on stage, getting the chance to showcase their talents and you know its word class,” dagdag pa niya.
Samantala, sa susunod na Linggo, December 10, magaganap na ang finale ng The Voice Generations.
Sino sa apat na grand finalists ang gusto n'yong maging first-ever The Voice Generations winner sa Pilipinas at sa buong Asya? Ang trio na P3 ba ng Team Bilib ni Coach Billy? Ang duo na Music and Me ng Julesquad ni Coach Julie Anne San Jose? Ang grupong Vocalmyx ng Stellbound ni Coach Stell? O ang girl group na Sorority ng Parokya ni Chito ni Coach Chito?
Upang makaboto sa December 10, gumawa na ng inyong Kapuso account sa pamamagitan ng pag-register DITO:
Para sa buong detalye ng pagboto, magtungo lamang sa GMANetwork.com, o hintayin ang updates sa The Voice Generations sa December 10. Mapapanood ito 7:20 p.m. bago ang KMJS.
Maaari namang panoorin ang delayed telecast 10:45 p.m. sa GTV.
Para sa mga Pinoy abroad, mapapanood ang The Voice Generations sa GMA Pinoy TV.