
Mas naging makulay ang selebrasyon ng Balbagan Festival 2026 dahil sa pagdalo ng Apoy sa Dugo stars na sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega, at Larkin Castor.
Bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng festival, nagsagawa ng street and arena dance competition at iba't ibang aktibidad na nagpapakita ng mayamang kultura ng Binalbagan.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Huwebes, May 21, ikinatuwa ng Apoy sa Dugo cast ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Binalbagan.
"Kilala din kami by characters, so nagulat kami. Very warm ang pag-welcome," sabi ni Elle.
"Nakakatuwa din na affected sila sa mga eksenang ginagawa namin," pahayag ni Derrick.
Nagpasalamat din si Ashley dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makita nang personal ang mga sumusuporta sa kanilang serye.
"Salamat sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa amin. Siyempre, it's nice to see them face to face," sabi naman ni Ashley.
Abangan ang iba pang matitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang sisterhood moments nina Vanessa at Angel sa Apoy sa Dugo: