
Isa na namang puksaan ang pinag-usapan sa mas tumitinding GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.
Sa May 12 episode, binuhusan ni Angel (Ashley Ortega) ng pintura si Fonzi (Fonz) sa kanyang mukha at buong katawan. Nagtalo sina Fonzi at Angel dahil ipinagtatanggol ni Fonzi ang kanyang best friend na si Vanessa (Elle Villanueva) kay Angel.
Umani agad ng reaksyon ang naturang puksaan nina Fonzi at Angel. Marami rin ang naghintay ng “plot twist” mula kay Fonzi, na kilala bilang content creator na may mga “unexpected twists” sa kanyang online skits.
Narito ang ilan sa reaksyon ng viewers sa puksaan nina Fonzi at Angel:
Abangan ang mas tumitinding puksaan sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes mula Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'