
Pinag-usapan online ang intense na finale ng psychological drama-thriller series na Apoy sa Dugo.
Natunghayan ang finale ng serye noong Biyernes, June 19, na talaga namang tinutukan ng fans at viewers.
Kinagiliwan ng mga manonood ang pagbabati nina Vanessa (Elle Villanueva) at Kiara (Ashley Ortega) sa serye.
Ikinagulat din ng viewers ang plot twist sa dulo kung saan nalaman na may kakambal pa pala si Kiara.
Dahil sa labis na pagkamangha, hindi napigilan ng mga manonood na mag-react at humiling ng Season 2 ng serye.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa finale ng Apoy sa Dugo:
Kasama nina Elle at Ashley sa serye sina Derrick Monasterio, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Patricia Coma, Thea Tolentino, Larkin Castor, Cai Cortez, Fonzi, at Toniyuh.
RELATED GALLERY: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy sa Dugo'