
Bumaha ng emosyon sa bawat eksena sa May 7 episode ng Apoy sa Dugo.
Ginulat ng serye ang viewers nang tuluyan nang pumanaw si Carlito (Ricardo Cepeda) at si Luigi (Rathian Cordero), anak ni Vanessa (Elle Villanueva), matapos silang mabangga ng kotse na minamaneho ni Angel (Ashley Ortega).
Marami ang nalungkot sa pagkawala nina Carlito at Luigi, na lalong nagdulot ng inis sa viewers kay Angel.
Hindi lang inis kundi galit din ang kasalukuyang nararamdaman ng viewers dahil sa mga ginawa ni Angel.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa pagpanaw nina Carlito at Luigi:
Mahuli na kaya si Angel sa kanyang mga kasamaan?
Abangan ang mas tumitindi pang mga eksena sa Apoy sa Dugo, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in Apoy sa Dugo