
Mas tumitindi ang mga plano ni Angel (Ashley Ortega) sa Apoy sa Dugo.
Noong Lunes, April 20, ginawang bihag ni Angel si Sylvia (Pinky Amador) bilang ganti sa mga ginawa nito sa kanyang ate na si Vanessa (Elle Villanueva).
Maliban sa pagbihag, patuloy ding pinahihirapan ni Angel si Sylvia bilang bahagi ng kanyang plano upang wasakin ang pamilya Panganiban at gantihan ang sinumang nanakit kay Vanessa.
Magtutuloy-tuloy pa kaya ang mga bintang kay Angel, lalo na ngayong dumarami ang nalalagay sa panganib sa kanyang mga kamay?
Sino kaya ang susunod na magiging biktima ni Angel?
Abangan 'yan sa mas tumitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'