
Pinag-usapan online ng viewers ang kamandag na hatid ni Sylvia (Pinky Amador) sa Apoy sa Dugo.
Noong Miyerkules, April 15, nabuking na si Sylvia sa kanyang itinatagong relasyon kay Bruce (Ron Angeles) ng kanyang anak na si Marco (Derrick Monasterio).
Kasunod ng matinding komprontasyon nina Sylvia at Marco, agad ding nalaman ng kanyang asawa na si Carlito (Ricardo Cepeda) ang tungkol sa kanyang ibang karelasyon.
Bagama't intense ang eksena sa naturang episode, hindi napigilan ng viewers na mapa-“sana all” kay Sylvia dahil sa kanyang mga lalaking sina Bruce at Gringo (Andre Cue) na patuloy na sumusuyo sa kanya.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa mga lalaki ni Sylvia:
Ano na kaya ang mangyayari sa pamilya Panganiban ngayong nabuking na ang maruming lihim ni Sylvia?
Abangan 'yan sa mas umiinit pang mga eksena sa Apoy sa Dugo, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan dito ang iconic looks ni Pinky Amador: