GMA Logo Pinky Amador, Ron Angeles
Photo source: GMA Drama
What's on TV

Apoy sa Dugo: Sylvia, buking na ang itinatagong relasyon!

By Karen Juliane Crucillo
Published April 14, 2026 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tricycle passengers hit by SUV, run over by bus in Batangas; 7 dead
76-anyos nga lalaki, patay human nasunog ang iyang panimay sa Negros Oriental | Balitang Bisdak
Restaurant chain strengthens Philippine footprint through continued expansion

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Ron Angeles


Abangan ang matinding rebelasyon ni Sylvia (Pinky Amador) sa buong pamilya Panganiban tungkol sa kanyang itinatagong relasyon sa 'Apoy sa Dugo.'

Ngayong Martes, April 14, mas kaabang-abang ang mga eksena sa Apoy sa Dugo dahil wala nang ligtas si Sylvia (Pinky Amador) sa kanyang lihim na relasyon sa kanyang kabit.

Malalaman na ng buong pamilya Panganiban ang kanyang itinatagong relasyon kay Bruce (Ron Angeles) dahil sa pakana ni Angel (Ashley Ortega), na layong mabuking ang lahat ng kanyang sikreto.

Sisisihin naman ni Sylvia si Vanessa (Elle Villanueva) sa paglantad ng katotohanan.

Tuluyan na bang masisira ang relasyon bilang mag-biyenan nina Sylvia at Vanessa dahil sa mga pakana ni Angel?

Abangan 'yan sa mas tumitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, kilalanin dito si Pinky Amador: