
Handa na ba kayo sa mas madugong puksaan?
Tuloy-tuloy ang kasamaan ni Kiara (Ashley Ortega) kasama ang kanyang pinakabagong crew na sina Omar (Jeric Gonzales) at Ligaya (Liezel Lopez) mula sa mental facility matapos nilang pasukin ang village nina Vanessa (Elle Villanueva).
Mas ramdam ang galit ni Kiara, at hindi na siya mapipigilan sa kanyang plano na ligpitin ang buong pamilya Panganiban.
Sa huling Miyerkules, muling magkikita sina Kiara at Vanessa para sa kanilang pinakamadugong puksaan.
Sino kaya ang mamamatay sa pamilya Panganiban hanggang sa finale week?
Magkakaayos pa kaya sina Kiara at Vanessa, o tuluyan nang mapupuno ng galit at apoy ang kanilang samahan?
Abangan ang mas tumitindi pang mga eksena sa finale week ng Apoy sa Dugo, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'