
Ngayong Huwebes, mangyayari na ang huling bakbakan nina Kiara (Ashley Ortega) at Vanessa (Elle Villanueva) kasama si Mikay (Nicole Baker).
Matutuloy kaya ang plano ni Kiara na patayin sina Vanessa at Mikay, o manaig ang kanyang pagmamahal bilang tita ni Mikay?
Huwag palampasin ang mga eksena sa Apoy sa Dugo, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Network Afternoon Prime at Kapuso Stream.