GMA Logo Elle Villanueva, Ashley Ortega
Photo source: GMA Drama
What's on TV

Apoy sa Dugo: Vanessa, nagigising na sa mga kasinungalingan ni Angel!

By Karen Juliane Crucillo
Published April 24, 2026 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

50-anyos na si Ina Raymundo, payag kayang gumawa pa ng sexy at daring films?
Davao region pinakataas ang ekonomiya | One Mindanao
Fun, flavor, at farm-fresh inspiration, mapapanood sa 'Farm to Table'

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva, Ashley Ortega


Abangan ang iba pang kasinungalingan na mabubunyag ni Vanessa (Elle Villanueva) tungkol kay Angel (Ashley Ortega) sa 'Apoy sa Dugo.'

Nagsisimula nang maghinala at magtanong si Vanessa (Elle Villanueva) kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Angel (Ashley Ortega) sa Apoy sa Dugo.

Ngayong Biyernes, April 24, kokomprontahin ni Vanessa si Angel kaugnay ng kanyang natuklasang katotohanang buhay pa pala ang ina ni Angel na si Merly (Matet de Leon).

Unti-unti nang natatauhan si Vanessa matapos siyang paalalahanan ni Merly tungkol sa kasamaang taglay ni Angel.

Noong April 23 episode, ibinunyag ni Merly ang totoong nangyari sa nakaraan—na hinayaan lamang siya ni Angel na masunog sa kanilang bahay.

Sa gitna ng kanilang komprontasyon, malulusutan pa kaya ito ni Angel? O sino sa kina Vanessa at Angel ang magiging kapani-paniwala sa gitna ng gulo sa pamilya Panganiban?

Magtutuloy-tuloy na nga ba ang paghihinala ni Vanessa kay Angel?

Abangan 'yan sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'