
Patuloy na tumatatak sa viewers ng Apoy sa Dugo ang mga matitinding eksena at puksaan, lalo na ang “unique” na kuwento ng serye.
Maraming viewers ang nagsasabi na hindi ito ang tipikal na hapon-seryeng umiikot sa kuwentong kabitan. Mas nagustuhan ng mga manonood ang kakaibang storyline nito, na nakasentro rin sa karakter ni Ashley Ortega bilang Angel, na bunga ng mga gulo sa serye.
Sa kanilang patuloy na pagsubaybay, ibinahagi rin ng viewers na isa ito sa mga pinakamahusay na teleserye ngayon ng Kapuso Network.
Maliban sa ganda ng kuwento, humanga rin sila sa husay sa pag-arte nina Ashley, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador, Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, at marami pang iba.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa storyline ng Apoy sa Dugo:
Sa ngayon, nasa kamay ni Angel (Ashley Ortega) si Sylvia (Pinky Amador) bilang bahagi ng kanyang paghihiganti para sa kanyang ate na si Vanessa (Elle Villanueva).
Matutuklasan din ni Vanessa na buhay pa ang ina ni Angel. Malalaman kaya niya ang sikreto sa pagitan ng ina ni Angel at ng kanyang kapatid?
Patuloy na abangan ang mga matitinding eksena sa Apoy sa Dugo, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'