GMA Logo Elle Villanueva and Ashley Ortega
Photo source: GMA Drama
What's on TV

Apoy sa Dugo: Vanessa, sisimulan na ang paghihiganti kay Angel

By Karen Juliane Crucillo
Published May 18, 2026 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Some senator-judges express reservations over subpoena for Sara Duterte's financial records
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Ashley Ortega


Abangan ang pinakahihintay na paghihiganti ni Vanessa (Elle Villanueva) kay Angel (Ashley Ortega) sa 'Apoy sa Dugo.'

Mababaliktad na ang sitwasyon nina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega) sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Ngayong Lunes, May 18, sisimulan na ni Vanessa ang kanyang pagpapanggap na baliw-baliwan bilang bahagi ng kanyang plano para makapaghiganti kay Angel.

Sa kanyang pagpapanggap, balak ni Vanessa na mabawi ang kanyang pamilya at maitama ang lahat ng kaguluhang ginawa ni Angel.

Mauutakan na kaya niya si Angel? O ramdam na ni Angel ang kanyang binabalak?

Abangan ang mas tumitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan dito ang attorney looks ni Elle Villanueva sa Apoy sa Dugo: