
Habang mas umiinit ang mga eksena sa Apoy sa Dugo, nagiging mainit din ang diskusyon ng viewers tungkol sa magiging ending ng serye sa social media.
Sa finale week, magkakaroon pa ng huling bakbakan sina Kiara (Ashley Ortega) at Vanessa (Elle Villanueva).
Sa excitement ng fans at viewers, ibinahagi nila ang kanilang mga theories tungkol sa mga susunod na mangyayari kina Kiara at Vanessa.
May nagsabi na posibleng maging magkakampi sina Kiara at Vanessa sa dulo, at si Trixie (Thea Tolentino) ang magiging tunay na kalaban nila.
Marami rin ang umaasa na magbabago pa si Kiara, dahil ayon sa ilan, napuno lamang siya ng poot at galit dahil sa kanyang mga karanasan noong bata pa siya sa kamay ng kanyang nanay na si Merly (Matet de Leon).
Bukod sa pagbabahagi ng kanilang mga hula, pinuri rin ng viewers ang husay sa pag-arte nina Elle at Ashley sa kanilang mga karakter.
Narito ang ilan sa mga hula ng viewers sa ending ng Apoy sa Dugo:
Abangan ang finale ng Apoy sa Dugo ngayong Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan dito ang sisterhood moments nina Kiara at Vanessa bago ang kanilang sister rivalry: