GMA Logo Ashley Ortega, Karenina Haniel
Photo source: GMA Drama
What's on TV

'Apoy sa Dugo' viewers, nagbahagi ng kanilang theories tungkol sa serye

By Karen Juliane Crucillo
Published June 2, 2026 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cargo bus crashes into concrete barriers on EDSA-Quezon Ave.
Severe flooding hits Davao City; residents rescued
Moviegoers are turning to Google Search after seeing 'The Odyssey'

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, Karenina Haniel


Hindi napigilan ng viewers ng 'Apoy sa Dugo' na magbahagi ng kani-kanilang teorya tungkol sa mga eksena sa serye.

Umaapaw sa haka-haka ang viewers sa katotohanan tungkol sa patindi nang patindi na istorya ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Usap-usapan sa social media ng GMA Drama ang big plot twist na si Angel (Ashley Ortega) pala ay si Kiara (Karenina Haniel).

Bago pa man ang rebelasyon ng katotohanan, nagbahagi ang viewers ng kanilang hula sa kung sino ang tunay na pagkatao ni Kiara.

Marami ang nagsabi na iisa lamang sina Angel at Kiara, at imahinasyon lamang ni Angel ang karakter ni Kiara. May iba rin na ang hula ay isa na lamang kaluluwa si Kiara matapos umano siyang mapatay ni Angel.

Narito ang ilan sa mga hula ng viewers sa tunay na pagkatao ni Kiara:

Malalaman na rin kaya ni Marco (Derrick Monasterio) ang tunay na katauhan ni Kiara at ang pagpapanggap ni Vanessa (Elle Villanueva) sa kanyang paghihiganti kay Angel?

Abangan 'yan sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'