
Patuloy pa rin sa paghahanap si Ning (Mikee Quintos) sa katotohanan para sa kanila ni Gemma (Maricel Laxa) sa Apoy sa Langit.
Noong nakaraang Linggo, sunod-sunod ang mga pagsubok na hinarap ni Ning. Ngunit hindi siya sumuko sa paghahanap ng hustisya para sa kanilang mag-ina laban kina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).
Nahuli si Ning ng mga pulis pagkatapos niyang subukang itakas ang ina mula kina Cesar at Stella. Sa gitna ng kanyang pagkakakulong ay mang-aasar pa si Stella. Mababahala naman si Stella nang may makakilala sa kanya mula sa kanyang nakaraan.
Nang makalabas si Ning sa kulungan ay nagsimula siyang maghanap ng ebidensya laban kay Stella at Cesar. Dahil dito, nakaharap niya ang tiyahin ni Stella na si Rona.
Ikinagulat ni Stella na biglang natauhan si Gemma. Nakonsensya rin siya dahil sa ginagawa niyang pagpapainom kay Gemma ng drugged smoothie.
Pumayag na rin si Ning na makipagkita kay Rona kapalit ang ebidensya laban kay Stella. Naunahan man siya ni Cesar ay nakuha pa rin niya ang mga patunay sa pagkatao ni Stella.
Mas titindi pa ang eksena sa mga susunod na episodes ng Apoy sa Langit dahil malalaman na ni Gemma ang nakapapasong katotohanan.
Abangan ang mga magaganap sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Network.