GMA Logo Mikee Quintos
Photo source: @mikee
What's on TV

Mikee Quintos, ipinagtanggol ang karakter niyang si Ning sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published July 18, 2022 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


May sagot si Mikee Quintos sa mga nagagalit kay Ning sa 'Apoy sa Langit.'

Inamin ni Mikee Quintos na nababasa niya ang mga comments ng netizens na naiinis sila sa kanyang karakter na si Ning sa Apoy sa Langit.

Si Ning ay ang anak ni Gemma (Maricel Laxa) na dumadaan ngayon sa mabibigat na pagsubok dahil kina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).


Ayon kay Mikee, "Ang dami ko ngang nababasa sa comments na hindi daw ako (Ning) marunong lumaban."

Paliwanag ni Mikee sa ginanap na Instagram Live ng cast ng Apoy sa Langit nitong July 16. "Gusto ko lang ipaglaban si Ning para sa mga nagko-comment ng ganoon."

Ayon kay Mikee, hindi madali ang pinagdadaanan ni Ning.

"Mahirap din lumaban kapag may trauma kang dala na ganoon. Tapos lagi pang nati-trigger trauma mo ng mga taong nangti-trigger sa'yo."

Saad pa ni Mikee, may mga dapat abangan ang mga viewers ng Apoy sa Langit mula kay Ning.

"Tina-try ko naman. Or tina-try naman ni Ning lumaban. Pero abangan ninyo, magkakaaraw din si Ning kay Cesar at Stella,” aniya.

Dagdag pa niya na tutukan ang mga gagawin ni Ning sa mga susunod na episodes ng Apoy sa Langit. "Abangan ninyo ang araw na 'yun dadating din 'yun. Gaganti din tayo."

Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon Prime drama online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.

TINGNAN NAMAN ANG SEXIEST LOOKS NINA MIKEE, ZOREN, AT LIANNE RITO: