
Painit na ng painit ang mga eksena sa kuwento ng Apoy sa Langit.
Sa episode nitong May 12, magkakaroon ng problema sina Gemma (Maricel Laxa) at Cesar (Zoren Legaspi) dahil sa pagdating ni Stella (Lianne Valentin). Si Stella ay nagpakilalang anak ni Cesar kina Gemma at Ning (Mikee Quintos).
Photo source: Apoy sa Langit
Pilit mang palayuin ni Cesar si Stella, babalik at babalik pa rin ito para makuha ang pagmamahal ni Cesar.
Abangan ang mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga. Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app. Samantala, kilalanin ang buong cast ng Apoy sa Langit dito: