
Ikinatuwa ng cast at directors ng Apoy sa Langit ang kinalabasan ng kanilang pilot episode na umere nitong May 2.
Sa simula ng kuwento ay ipinakita ang mapait na sinapit ng Pamilya Hidalgo sa kamay ng mga masasamang loob. Ayon sa cast ng Apoy sa Langit, natuwa at humanga sila sa kinalabasan ng kanilang pilot episode sa GMA Afternoon Prime.
Photo source: Apoy sa Langit
Ayon sa direktor nitong si Direk Laurice Guillen, masaya siya dahil napanood na niya ang pilot episode na kanilang handog sa GMA Network.
"Masaya ako dahil nakita ko here sa set kasama lahat ng mga cast and crew."
Nagpasalamat naman si Maricel Laxa sa mga tumutok sa Apoy sa Langit. Si Maricel ay napapanood sa Kapuso serye bilang si Gemma.
"Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng sumubaybay sa Apoy sa Langit. This is just the first of the many more exciting days to come kaya abangan!"
Sambit naman ni Zoren Legaspi na gumaganap bilang Cesar, "Awesome! Keep watching!"
Kuwento ni Mikee na gumaganap bilang Ning sa serye, "Nabitin ako... I hope you guys liked our first episode for Apoy sa Langit."
Para kay Lianne Valentin na napapanood bilang Stella, exciting ang kuwento ng Apoy sa Langit. Saad ng aktres, "Grabe ang pilot episode natin. Very, very exciting lalo 'yung mga ganap."
Napanood rin ang reaksyon nina Patricia Ismael, Ramon Christopher Gutierrez, Mariz Ricketts at ang 2nd unit director na si Ralfh Malabunga.
Panoorin sila mula mismo sa set ng Apoy sa Langit:
Samantala kilalanin ang buong cast ng Apoy sa Langit dito: