
Patuloy na sinusubaybayan ang painit na painit na mga eksena ng Apoy sa Langit ng netizens at Kapuso viewers.
Simula June 16 ay nagtamo ng higit 1 million views sa loob ng 24 oras ang bawat episode ng GMA Afternoon Prime series. Ang mga episode na ito ay napanood mula sa GMA Drama Facebook page at GMA Network YouTube channel.
Patuloy rin sa pagtaas ang TV ratings ng Apoy sa Langit dahil sa tuloy-tuloy na pagsubaybay ng ating Kapuso viewers.
Nitong mga nakaraang mga episodes ay nakakuha ng magkakasunod na matataas na ratings ang Apoy sa Langit. Noong June 22, umani ng 6.8% rating ang Apoy sa Langit at 6.9% rating naman ang episode nitong June 21, ayon sa NUTAM People Ratings. Noong June 20 ay tinutukan rin ang episode at nakakuha ito ng 6.2% rating.
Patuloy na abangan ang mas kaabang-abang na mga tagpo sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon prime series online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.