
Patuloy sa pagtutok ang mga Kapuso viewers sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit.
Noong June 1, umani ng 6.1% rating ang episode ng Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings. Samantala, 5.7% rating naman ang nakuha ng serye noong June 3.
Sa June 1 episode ay kinompronta ni Gemma (Maricel Laxa) si Cesar (Zoren Legaspi) sa mga binibili niya para sa ibang babae. Napagtakpan naman agad ni Stella (Lianne Valentin) nang sinabi niyang ibinigay sa kanya ito ni Cesar.
Sa episode naman nitong June 3 ay nakaharap ni Gemma ang inaakala niyang babae ni Cesar. Ang hindi niya alam ay isa ito sa mga plano nina Cesar at Stella para patuloy sila sa kanilang itinatagong relasyon.
Patuloy na sundan ang mga maiinit at kapana-panabik na mga eksena ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.